Kredibilidad ng mga pulis, ibabalik ni Acorda; Palakasan system, bubuwagin


‘Nire-respeto, at hindi kinatatakutan’.

Ito umano ang gustong ibalik sa buong imahe ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Benjamin Acorda sa kaniyang pamumuno sa organisasyon.

Sa isang panayam, sinabi ni Acorda na sisikapin nilang pagbutihin pa ang serbisyo ng PNP sa loob ng kaniyang pitong buwang panunungkulan bago ang kaniyang mandatory retirement.

Sabi ng PNP chief, bagamat maikli ito – pagkakaisahin umano niya ang police organization, katuwang ang iba pang mga government agencies, at ang lahat ng mga Pilipino.

Idiniin din niya ang kahalagahan ng pagiging credible ng mga bagong pulis.

Aniya, papatayin niya na ang sistema ng palakasan lalo na’t ang promotion ay dapat nakabase sa merits at abilities ng isang policeman.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *