Kumpirmadong kaso ng covid-19 sa Olongapo pumalo na ng 2k

OLONGAPO- Pumalo na sa sakto dalawang libo ang kumpirmadong bilang ng mga tinamaan ng covid-19 sa Olongapo.

Ito ay base sa inilabas na datos ng Local Inter-Agency Taskforce kahapon kung saan nakapagtala ng labintatlong bagong positibong kaso.

Maliban dito ay umakyat na rin sa 102 ang bilang ng nasasawi matapos na may apat na nadagdag sa bilang.

Sa ngayon ay 1,631 ang mga nakakarekober habang umabot na ng 267 ang aktibong kaso.

Panawagan ng City Health Office sa publiko na sundin kahit saan ang minimum health standards para maiwasang dumami pa ang tinatamaan ng covid-19.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of 2 people and text that says '6 Garlic in you life Reasons to have Power Cells HERBAL CAPSULE Tuldukan ang sakit! It has antifungal properties It can prevent and treat common viruses Power Cells It is an effective sexual enhancer Itis great repellent It help with pest control It protects the heart'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *