Inanunsyo ng Korte Suprema na pananatilihin ng lahat ng opisina at units nito sa National Capital Region (NCR) ang operational capacity ng hanggang 80% simula ngayong araw (Ferbruary 16).
Sinabi ng SC na “until further notice” na mananatili ang nasabing operational capacity.
Gayunman, ipinunto ng kataas-taasang hukuman na hindi ito applicable sa Medical and Dental Services, Security Division, Maintenance Division, at Motorpool Section, na patuloy na mago-operate sa 100% capacity.
Inihayag ng SC na ang opisyal na oras ng trabaho nito ay mula alas-8 ng umaga hanggang alas-4:30 ng hapon mula Lunes hanggang Biyernes.