Prosecutor, ibinasura ang kasong cyber libel na inihain ni Pacquiao laban kay Quiboloy

Ibinasura ng Makati City Prosecutor’s Office ang reklamong cyber libel na inihain ni Senador Manny Pacquiao laban kay Pastor Apollo Quiboloy.

Sa isang pahayag ay hindi sinangayunan ng legal counsel ni Pacquiao ang nasabing desisyon.

Ipinunto ni Nikki De Vega na meron dapat “distinction” sa pagitan ng isang kritisismo mula sa pagpapakalat ng fake news.

Iginiit rin ni De Vega na ibinasura ang kaso kahit walang Counter-Affidavit na inihain ang kampo ni Quiboloy.

Dagdag ni De Vega, naghain na sila ng motion for reconsideration.

Gayunman, kinokonsidera na rin nila ang pag-atras ng kaso upang magbigay daan sa extradition at pag-aresto ng US government kay Quiboloy dahil sa salang sex trafficking.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *