Lakers nakatipid ng $500K sa one-game suspension ni Lebron James

Aabot sa $500,000 luxury tax ang natipid ng Los Angeles Lakers sa one-game suspension ni NBA supertar Lebron James.

Nabatid na sinuspendi ng NBA si James matapos nitong iwasiwas ang kamay na nagresulta sa duguang mukha ni center Isaiah Stewart sa laban ng Lakers at Detroit Pistons noong Lunes.

Dalawang laro naman suspendido si Stewart matapos itong mag-amok at sugurin si James ng ilang beses kahit pa pinipigaln na ito ng mga security personnel.

Ayon kay Bobby Marks ng ESPN nasa $284,004 ang nawala kay Lebron dahil sa suspension subalit pabor naman ito sa front office ng Lakers dahil mabibigyan sila ng tax credit na aabot sa $142,002 at nakatipid din ang koponan ng tinatayang $532,508 sa kabuoan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *