Lalakeng humalay sa isang walong taong gulang na batang babae sa Mercedes arestado makaraan ang 10 taon

CAMARINES NORTE- Makakamit na ang hustisya ng isang walong taong gulang na batang babae sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte na hinalay sampung taon na ang nakakalipas.

Ito ay makaraang maaresto kagabi ng mga pulis ang taong lumapastangan umano sa biktima.

Kinilala ang akusado sa pangalang “Bandam” 46 anyos, binata, mangingisda ng nasambit na bayan

Ginawa ang pag aresto kay Sillano sa bisa ng warrant of arrest  na ipinalabas ni Judge Arniel Dating ng Regional Trial Court Branch 40 dito sa bayan ng Daet, para sa kasong rape in relation to Republic Act 7610 o Child abuse at walang inirekomendang piyansa ang hukuman.

Ayon sa PNP, nangyari umano ang panghahalay noon pang Marso 2011.

Ayon kay PNP Provincial Director PCol Julius Guadamor may isa na namang biktima na nabigyan ng hustisya at sisiguruhin umano ng pamunuan ng pulisya sa Camarines Norte na marami pa ang susunod.

Matapang din ang pahayag ng opisyal na sinabing lilipulin at hahanapin ng kapulisan ang mga masasamang tao na yumurak sa puri at pagkatao ng mga nagiging biktima.

Nasa kustodiya na ngayon ng Mercedes MPS ang suspek para sa kauluang disposisyon.

Sa datos naman ng Camarines Norte Police Provincial Office, bumaba ang mga naitatalang kaso ng pangagahasa sa unang anim na buwan ng 2021.

Mula Enero hanggang Hunyo nasa 25 ang mga naitalang kaso ng pangagahasa kumpara sa 30 sa kaparehong panahon noong isang taon.

Sa 30 rape cases noong 2020, lahat ay cleared habang 24 ay solved.

Sa 25 naman ngayong 2021, ay 25 ang cleared at 12 ang solved.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *