Lalaki, inakusahang pumatay sa kanyang asawa matapos magbiro sa isang game show

Isang lalaki sa Quincy, Illinois ang inakusahang pumatay sa kanyang asawa matapos magbiro na pinagsisisihan niya ang pagpapakasal sa US game show na “Family Feud.”

Sa isang episode ng game show na ipinalabas noong January 2020, sinabi ni Timothy Bliefnick sa host na si Steve Harvey, na ang pinakamalaking pagkakamali niya ay ang pagsasabi ng “I do” sa kanyang estranged wife na si Rebecca.

Natagpuang wala ng buhay si Rebecca sa kanyang bahay na may tama ng bala sa kanyang katawan.

Inaresto ang kanyang asawa matapos akusahang may kagagawan sa krimen.

Kinasuhan si Bliefnick ng 2 counts ng first-degree murder at 1 count ng home invasion dahil sa pagkamatay ni Rebecca noong Pebrero.

Base sa record ng korte, si Rebecca ay naghain ng petisyon noong 2021 para ipawalang bisa ang kanyang kasal kay Timothy.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *