John Lloyd at Sarah, muling magsasama sa bagong pelikula

Kinumpirma ng Viva Artists Agency na muling magsasama sa isang pelikula ang blockbuster stars na sina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz.

Sa official Instagram account nito, nag-post ang VVA ng mga larawan ng blockbuster tandem sa opisina ng Viva.

Ipinost din ni Sarah ang mga larawan sa kanyang Instagram account.

Nilagyan niya lang ito ng caption ng dalawang video camera at isang emoji ng orasan.

Inamin ni John Lloyd noong na may nararamdaman siya kay Sarah pero sinabi niyang “timing wasn’t a friend.”

Inamin din ni Sarah na crush niya si John Lloyd.

Nagbida ang dalawa sa apat na blockbuster films gaya ng “A Very Special Love,” “You Changed My Life,” “It Takes a Man and a Woman” at “Finally Found Someone.”//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *