Lalaki sa South Africa, inaresto matapos na magpanggap na doktor sa Tiktok

Isang Tiktoker kamakailan na umano’y itinuturing ang kaniyang sarili bilang isang doktor kung saan, marami din siyang napaniwalang netizens kung kaya’t nagkaroon din ito ng maraming followers na umabot naman sa 300, 000.

Ang Tiktoker ay nagngangalanag Matthew Bogani Lani at nagpakilala bilang pinakabatang doktor umano sa South Africa kung kaya’t marami naman ang napahanga sa kaniya.

Base sa kaniyang mga videos sa Tiktok app, mistulang ipinangalalandakan nito na ilang beses na siyang na-accelerate sa hayskul at natanggap ng maaga sa isang medical school.

Dahil nga sa maraming humahanga kay Lani, napaniniwala nito ang mga netizens sa kaniyang mga content lalo na ang mga bidyo araw-araw na nakasuot ng puting uniporme na may stethoscope.

Kalauna’y nabisto rin itong nagpapanggap na doktor dahil sa pagkakamali umano nitong matawag na “pantric cancer” imbis na ‘”pancreatic cancer” ang isang sakit.

Inaresto nga ito ngunit, kalauna’y pinalaya rin dahil sa Tiktok lamang ito nagpanggap at wala umanong complainant na maaaring magpatunay na nagpapakonsulta sa kaniya.###WENCY LISAY

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *