Lalaki, sugatan matapos pagbabarilin sa Buenavista, Quezon

Sugatan ang isang lalaki matapos itong pagbabarilin sa Barangay Cadlit, Buenavista, Quezon nitong Sabado, Abril 8.

Kinilala ang biktima na si Joel Tan, 40-anyos habang ang suspek naman ay si Ericson Uri, 30-anyos, pawang mga residente ng naturang bayan.

Ayon sa report, nagtungo umano ang suspek sa tahanan ng isang nagngangalang Jomar Endrina at sinabihan ito na dapat itong pumunta sa punong barangay para mag-diskusyon tungkol sa isang isyu.

Agad namang nagtungo si Endrina kasama si Tan kung saan ay sinundan ito ng suspek subalit habang nasa kalsada ang mga ito, bumunot ng baril ang suspek saka ilang beses na pinaputukan ang biktima.

Nagtamo ng tama ng bala ang biktima sa tiyan na lumusot sa kanyang hita kung kaya agad itong isinugod sa hospital habang tumakas naman agad ang suspek.

Samantala, kasalukuyan ng pinaghahanap ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong Frustrated Murder.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *