Lalaki, sinaksak ang umano’y karelasyon ng kanyang asawa sa Infanta, Quezon

Sugatan ang isang lalaki matapos umano itong saksakin sa Gen. Luna St., Poblacion 39, Infanta, Quezon nitong Linggo, Abril 9.

Ayon sa report, magpapakain umano noon ng aso ang isang saksi nang makita nito na nagtatalo ang mag-asawa hinggil sa umano’y relasyon ng misis sa biktima.

Nakita ng biktima na bumunot ang suspek ng kutsilyo at doon na nga nito kinompronta ang suspek.

Sa gitna ng komprontasyon, nagawang saksakin ng suspek ang biktima sa dibdib saka tuluyang tumakas.

Agad namang dinala sa hospital ang biktima sa hospital para malapatan ng lunas.

Sa kasalukuyan, hindi pa rin nahuhuli ang suspek ngunit nahaharap ito sa kasong Frustrated Homicide.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *