Lalaking isinalalay sa Lucky Pick ang number combination sa Lotto, nakuha ang jackpot prize

Minsan mo na rin bang isinalalay sa bahala na ang daloy o takbo ng iyong buhay?

Eh paano kung iasa mo na lang din ang suwerte mo sa isang Lucky Picker ng mga kombinasyon na numero sa isang SuperLotto draw.

Ganiyan kasi ang nangyari sa isang lalaking Caviteño ang nanalo sa SuperLotto 6/49 ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa tulong ng Lucky Pick (LP) o ang system-generated selection.

Sa totoo nga raw ay hindi niya alam mismo na nanalo siya dahil sa hindi niya kabisado ang numero na naibigay sa kaniya ng naturang Lucky Picker.

Aabot lang naman sa PHP147,354,716.40 ang kaniyang napanalunan na ngayon, plano niyang ituon sa gastusin ng mga pangangailangan ng kaniyang pamilya.###WENCY LISAY

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *