Lalaking nakabilango sa Kosovo, inoperahan matapos lunukin ang ipinuslit na cellphone

Kosovo— Sa kabila ng istriktong pagbabantay at mga patakaran sa mga bilangguan, may mga nakalulusot pa rin talagang mga iligal na kagamitan gaya ng baril, mga patalim, ipinagbabawal na droga at marami pang iba.

Sa bansang Kosovo, isang 33-anyos na lalaking inmate ang isinugod sa Pristina University Hospital gastroenterology clinic, matapos na makaranas ng ilang araw nang pananakit ng tiyan.

Ayon kay Dr. Skender Telaku, ang surgeon na namuno sa medical team na nagsagawa ng operasyon sa lalaki, natuklusan nilang isang Nokia 3310 na cellphone ang nasa tiyan nito na nagiging sanhi ng pananakit ng kanyang tiyan.

Upang mailabas ito sa tiyan ng biktima, isinagawa nila dito ang endoscopy– isang uri ng operasyon na hindi na kinakailangan pang buksan ang katawan para mailabas ang foreign object sa katawan ng tao.

Ayon pa sa mga espesyalista, kinailangan nilang hatiin sa tatlo ang cellphone upang makuha ito mula sa tiyan ng lalaki. Labis nilang ikinabahala ang pagtanggal sa battery ng cellphone dahil nagtataglay ito ng corrosive acid na maaaring ikapaminsala ng kanyang mga organs.

Wala namang naging komplikasyon ang operasyon at matagumpay na natanggal ang cellphone mula sa tiyan ng lalaki.

Sa ngayon ay hindi pa rin alam ang totoong rason kung bakit ito kinailangang lunukin ng preso ngunit naniniwala ang mga doktor na posibleng ito umano ay ipinuslit sa bilangguan at ginagamit niya upang magkaroon ng contacts sa labas ng bilangguan.### JUMEL DELA ROSA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *