Lamok na may dengue, maaaring mangitlog sa maruming lugar

KORONADAL CITY – MULA sa malinis na tubig, naninirahan na ngayon sa maruming tubig ang lamok na carrier ng dengue virus. Ito ang base sa resulta ng pinakabagong pag-aaral ng Integrated Provincial Health Office o IPHO.

Ito ang inihayag ni Dr. Vincent Ende, City Health Officer ng Koronadal sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal kung saan maaari itong mangitlog sa kahit saang marumi o malinis na mga lugar.

Ayon kay Ende, ang kadalasang biktima ng dengue sa lungsod ay ang mga edad 0-19 anyos. Inihayag nito na pantay ang porsyento ng mga lalaki at babae na biktima ng dengue.

Muling nilinaw ng opisyal na wala pa hanggang sa ngayong gamot ang dengue. Ilan sa mga sintomas nito ay ang lagnat kung saan hindi ito normal sa regular na lagnat ng ibang mga tao.

Inirerekomenda ni Ende, na agad magpakonsulta sa pinakamalapit na health center sa lungsod upang agad na ma check ang sitwasyon ng lagnat. Kaugnay nito, libre rin umano ang CBC at dengue NS1. Samantala, hiling ni Ende na dapat linisan ang paligid laban sa lamok na may dalang dengue.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *