Lisa ng BLACKPINK, kinilala bilang ‘most beautiful face of 2021’

Nanguna si Lisa ng Blackpink bilang ‘most beautiful face of 2021’ sa annual Top 100 list, mula sa 130,000 celebrities mula sa 45 bansa.

Kasunod ni Lisa sa listahan ay ang blogger-musician Emilie Nereng, beauty queen Halima Aden, Filipino actress Ivana Alawi, at si Nancy ng MOMOLAND.

Samantala, ang kapwa BLACKPINK members na si Rosé, Jisoo, at Jennie ay nakasama rin sa listahan bilang pang ika-17, 26 at pang ika-30.

Ayon sa TC Candler, na naglalathala simula noong 1990, pinagsama-sama ng Independent Critics ang kanilang listahan ng mga kinatawan ng modern ideal ng worldwide beauty at ibinase ang kanilang choices sa “aesthetic perfection, grace, elegance, originality, daring, passion, class, poise, joy, promise, at hope.

Matatandaan na noong nakaraang taon, si Yael Shelbia ng Israel ang kinilala bilang “Most Beautiful Face,” kung saan second place naman si Lisa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *