LRT-2, tigil-operasyon mula Holy Wednesday hanggang Easter Sunday

Inanunsyo ng Light Rail Transit Authority (LRTA) sa isang Facebook post na walang operasyon ang Light Rail Transit Line 2 o LRT-2 ng limang araw mula ika-13 hanggang ika-17 ng Abril.

Ito’y bilang paggunita ng Semanata Santa kasabay na din ng annual scheduled maintenance ng LRT-2.

Magkakaroon naman ng shortened operating hours sa ika-12 ng Abril sa Holy Tuesday. Alas-otso ng gabi ang last commercial trip mula Antipolo hanggang Recto at pabalik.

Samantala, inaabisuhan naman ng pamunuan ng LRTA ang lahat ng pasahero na planuhin ang kanilang Holy Week commute ng mas maaga upang makaiwas sa posibleng abala. (ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *