LTFRB: 100,000 TNVS slots ay bukas na ngayon para sa lahat ng transportation network firms

Binawi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang kanilang naging pahayag kaugnay sa pagbibigay ng 100,000 slots ng Transportation Network Vehicle Services (TNVS) sa Grab Philippines.

Una nang sinabi ng LTFRB, na ang slots ay ilalaan sa Singaporean company bilang tugon sa kanilang commitment na magbigay ng 500,000 na mga trabaho sa Pilipinas, kasunod ng pulong ng kanilang top officials kay President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Pero sa bagong pahayag, inihayag ng ahensya na ang slots ay magbubukas para sa lahat ng motorcycles at four-wheeled motor vehicles, at papahayagan ang lahat ng interested TNCs (Transportation Network Companies) na makilahok.

Kaugnay nito, magsasagawa muna ang LTFRB ng public hearings sa iba’t-ibang stakeholders, saka ide-deliberate ang kanilang koordinasyon sa Department of Transportation (DOTr) at maglalabas na ng kaukulang policy guidelines.

Ayon kay LTFRB chairman Teofilo Guadiz III, ikokonsidera ang lahat ng factors sa pagbibigay ng slots, kung saan ito rin ay ipapakalat sa ibang rehiyon, lalo na sa Visayas at Mindanao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *