Mabilis na pagbibigay ng serbisyo, tutukan ni Gov.Tamayo sa kanyang ikalawang termino

KORONADAL CITY- MABILIS at tamang serbisyo sa mga mamamayan ang isa sa tututukan ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr sa kanyang ikalawang termino.

Kaugnay nito, hinihikayat ng gobernador ang mga empleyado sa kapitolyo na mag-isip at humanap ng mga stratehiya upang mapabilis at mapabuti pa ang transaksyon at delivery ng basic services sa mga taga South Cotabato.

Ito aniya ay ipatutupad ng kanyang administrasyon sa fisrt 100 days nito.

Sa unang termino ni Tamayo, tinutukan nito ang pagpapatupad ng zero billing policy at no collection policy sa mga pampublikong ospital at bulutuan sa lalawigan.

Si Governor Tamayo kasama ang iba pang newly-elected provincial officials ay nakatakdang manumpa sa pwesto sa June 28, 2022.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *