Magnolia Coach Johnny Abarrientos, pinagmulta ng P10,000 matapos mag dirty finger

Pinagmulta ng P10,000 si Magnolia Coach Johnny Abarrientos matapos mag dirty finger kay Converge import Jamaal Franklin sa laro 2023 PBA Governors’ Cup noong Linggo ng gabi.

Si Abarrientos ay napanood sa telebisyon na nag bad finger kay Franklin matapos tumama sa clutch three-pointer laban sa Hotshots na may 1:05 na natitira sa laro.

Kinumpirma ni PBA commissioner Willie Marcial na pinarusahan niya alegendary point guard, na “very apologetic” naman umanp sa kanyang mga aksyon.

Inamin ni Abarrientos pagkatapos ng laro noong Linggo na nag-flash ang kanyang middle kay Franklin ngunit idiniin din niya na hindi niya ito dinirekta sa mga game officials.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *