Mahigit 1,000 units ng tablet, ibinigay ng pgi sa mga mag-aaral sa San Mariano, Isabela

Nagbigay ang Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela ng kabuoang 1, 069 units ng e-tablet sa mga mag-aaral sa bayan ng  San Mariano Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, 344 na mag-aaral ang nabigyan ng e-tablet sa San Jose Integrated School (IS), 206 naman sa Caddala IS, 203 sa Dicamay IS, Villa Miranda IS na nakatanggap ng 140, 101 sa Paninann IS habang 75 naman sa San Isidro IS.

Ang distribusyon ng naturang mga tablets ay bahagi ng programa ng PGI alinsunod sa implementasyon ng SDO Isabela na Basic Education Learning Continuity Plan.

Layunin din nitong mabigyan ng pantay na access sa pag-aaral ang mga estudyanteng Isabeleño na nasa liblib na lugar sa probinsya.

Personal na ibinigay ni Isabela Gov. Rodito Albani III kasama sina Superintendent Madelyn Macalling at Assistant Schools Division Superintendent Dante   Marcelo ng SDO Isabela at iba pang ahensya ng gobyerno sa mga benepisaryo ang mga e-tablet.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *