Mahigit 80 CLOA door-to-door na ipinamahagi ng DAR sa mga Agrarian Reform beneficiaries sa bayan ng Labo

CAMARINES NORTE- Umaabot sa 84 na certificates of land ownership awards (CLOAs) at emancipation patents (EPs) ang ipinamahagi ng Department of Agrarian Reform sa 72 agrarian reform beneficiaries (ARBs) sa bayan ng Labo Camarines Norte noong nakaraang Linggo.

Binubuo ito ng kabuuang 149 ektaryang lupain sa mga barangay ng Mabilo I at II, Lugui, Baay, Benit, Cabusay at Tulay na Lupa.

Personal na ipinamahagi ni Municipal Agrarian Reform Program Officer Samson  Mago at iba pang opisyal ng ahensiya ang mga land title sa bahay- bahay ng mga beneficiaries na tinawag na Serbisyong DAR-to-Door program.

Ito ay upang maiwasan ang mass gathering bunsod na patuloy na pagtaas ng mga naitatalang kaso ng COVID- 19 sa lalawigan.

Ayon kay Mago, hindi mapipigilan ng “Coronavirus disease” ang ahensiya para pagsilbihan ang mga beneficiaries at maipagkaloob ang kanilang hinahangad na magkaroon ng sariling lupang sasakahin.

Ang mga bagong ARBs ay tinulungan ng ahensiya na i- enroll sa Registry System for Basic Sector in Agriculture (RSBSA), isang programa ng Department of Agriculture para maka- avail ng suporta mula sa gobyerno ang mga farmer-beneficiaries.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *