Mahigit 80,000 OFWs sa Kuwait, inaasahang patuloy na lalahok sa overseas voting

Inaasahan ang mahigit 80,000 Overseas Filipino Workers o OFWs sa Kuwait ang patuloy na lalahok sa overseas voting na nagsimula nitong Linggo, ika-10 ng Abril na tatagal sa ika-9 ng Mayo.

Pinangunahan ni Philippine Ambassador to Kuwait Mohammad Noordin Pendosina Lomondot ang unang araw ng overseas absentee voting (OAV) na nagsimula bandang alas-8 ng umaga.

Ayon kay Lomondot, una siyang boboto hindi dahil sa opisyal siya ng embahada kundi dahil gusto niyang maging ehemplo sa lahat ng mga Pilipino sa Kuwait na gawin ang kanilang karapatang bumoto ngayong halalan.

Samantala, sa ngayon ay nasa 230,000 ang mga kababayan natin ang nasa Kuwait at tinatayang nasa kalahati lamang ang bilang ng nag-parehistro doon. (ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *