Mahigit PHP66.8M halaga ng asistensya, naipamahagi na ng DSWD Bicol sa mga bakwit ng Bulkan Mayon

LEGAZPI CITY – Umabot na sa mahigit PHP66.8M ang kabuuhang halaga ng asistensya ang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol sa mga bakwit ng Bulkan Mayon.

Sa pinakahuling ulat ng tanggapan, nasa PHP66,870,966.32 ang halaga ng asistansya para sa mga pamilyang bakwit sa 28 na evacuation centers.

Nasa 3,766 displaced families naman ang nakatanggap na ng cash assistance mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) na nagkakahalaga ng PHP18,619,000.

Tiniyak naman ng ahensya na ang bawat evacuation center ay may sapat na suplay ng Family Food Packs (FFPs) at Non-Food Items (NFIs).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *