Mahigpit na pagpapatupad ng curfew hours sa mga barangay responsibilidad ng mga kapitan-posd Cauayan City

Binigyang-diin ng Public Order and Safety Division na responsibilidad ng mga punong-barangay ang mahigpit na pagpapatupad ng curfew hours upang matiyak na walang lumalabag dito.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News Cauayan kay POSD Chief Pilarito Mallillin, sinabi niya na sa ngayon ay nasa ilalim pa rin ng General Community Quarantine with heightened restriction ang lunsod kaya mahigpit pa rin sa mga pagpapatupad ng health protocols.

Aniya, responsibilidad ng mga barangay ang anumang delinquency na nangyayari sa kanilang nasasakupan lalo ngayong humaharap pa sa pandemiya.

Mayroon aniya silang monitoring guidelines sa kada barangay at kung high risk sa COVID-19 ay nagpapaliwanag sa DILG at sa local chief executive.

Sinabi pa niya ,mayroon pa rin ilang lumalabag sa mga umiiral na minimum health standards bagaman patuloy sila sa pagpapaalala sa mga ito.

Samantala, nilinaw din nito na bagaman may mga napapaulat na ilang lugar sa bansa na hindi mandatory ang face shields subalit dito sa Cauayan City ay nananatili pa ring ipinapatupad ito sa 3Cs o ang closed areas, crowded areas at close contact.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *