Bilang ng kabataan na naturukan ng covid-19 vaccine sa Region 2, umabot na sa higit 14k

Umabot na sa 14, 989 na mga kabataan edad 12 hanggang 17-anyos ang nabakunahan kontra COVID-19 sa lambak ng Cagayan.

Batay sa datos na ibinahagi ni Ms. Joyce Maquera, Regional Vaccine Operations Center Manager ng DOH RO2, 5,533 dito ang mga menor de edad na nabakunahang may comorbidity at 9,456 naman ang walang comorbidity o Rest of Pediatric Population.

Ayon sa kaniya, mayroong 40, 811 ang bilang ng target Pediatric population na mabakunahan batay sa ibinigay na datos mula sa DOH Central Office.

Bagaman maaari aniyang mas tataas pa o bababa pa rito ang bilang ng mga mababakunahan dahil wala namang ginawang masterlisting.

Sa pagpaparehistro ay maaaring magwalk-in sa mga vaccination sites o magtungo sa mga City Health Office.

Samantala, inihayag din ni Maquera na sapat ang suplay ng bakuna para sa mga kabataan.

Wala rin aniyang mga naitala na mga menor de edad na naturukan ng bakuna ang nakaranas ng major adverse effect at pawang minor lamang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *