Malaking halaga ng alahas, tinangay mula sa isang bahay sa Lipa City, Batangas// Itinuturong suspek, live-in partner ng anak ng biktima

LIPA CITY- Aabot sa mahigit tatlong daang libong pisong halaga ng mga alahas ang natangay ng isang magnanakaw sa isang bahay sa Brgy. Sabang, Lipa City, Batangas.

Kinilala ng Lipa City Police Station ang suspek na si alyas Jan, residente ng naturang barangay.

Ayon sa ulat, ang suspek ay live-in partner ng panganay na anak ng biktima na si Racquel Cortez, residente rin sa nasabing lugar.

Ayon sa biktima, nagulat na lamang ito nang hindi niya mahanap ang kanyang mga alahas.

Doon na lamang sinabi ng kanyang anak na si Jeduel Cortez na nasaksihan niya ang suspek sa pagnanakaw habang siya ay nakahiga sa kanilang sofa.

Kasama sa mga ninakaw ang isang Saudi Gold Bangle na nagkakahalaga ng P85,000 at dalawang bracelet na nagkakahalaga naman ng P155,000.

Sa ngayon ay patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad para sa pagkakaaresto ng naturang suspek na posibleng maharap sa kasong theft.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *