Mandatory na pagsuot ng facemask sa loob ng mga opisina sa LGU Camaligan, pinasunod sa mga empleyado

NAGA CITY –Pinatutupad sa Camaligan, Camarines Sur ang required na pagsusuot ng facemask sa loob ng mga opisina ng LGU.

Ito ang nakapalaman sa kautusan ni Mayor Diano Ibardaloza Jr.

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni Municipal Health Officer, Dr. Nonoy Severo na simula Enero nakapagtala ang bayan ng 10 nagpositibo sa sakit, apat ang aktibong kaso na minomonitor nila matapos na magpaswab test, ang iba ay mga asymptomatic.

Layon ng mandatory facemask ay maprotektahan ang mga empleyado lalo na ang mga nasa health department, dahil otomatikong hindi papasukin kapag nahawaan at sasailalim sa isolation period, iniiwasan din ang pagka-antala ng transaksyon sa mga opisina ng Munisipyo. Bago man ang nasabing kautusan sinang-ayonan na rin ng mga empleyado.

Hinihikayat naman ang publiko na magsuot pa rin ng facemask.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *