Marami patay sa bombing incident malapit sa isang Mosque sa Afghanistan

Patay ang hindi pa matukoy na bilang ng tao habang nasa dalawampu ang sugatan matapos ang pambobomba sa isang mosque sa Kabul city Afghanistan.

Ayon sa report, nangyari ang pagpapasabog malapit sa Eid Gah mosque habang nagsasagawa ng prayer ceremony para sa sumakabilang buhay na ina ng isang Taliban spokesman.

Ito ang maituturing na major explosion sa Kabul mula nang umalis ang Western forces noong Agosto.

Kaugnay nito ay nagsagawa ng pag-atake ang Taliban sa hideout ng mga pinaniniwalaang Islamic State militant.

Dito ay namatay ang 3 hinihinalang IS militants bagamat patuloy pa itong ,kinukumpirma ng mga otoridad.

Wala namang ibang grupo ang umaako sa nasabing pag-atake nakapagsagawa na ng ilang pag-atake ang mga hinihinalang IS sa eastern city ng Jalalabad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *