Marcos admin, pinag-aaralan kung maganda pa ba ang POGO sa bansa

Inihayag ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos na maaring hindi na umano kailangan ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa Pilipinas, kung ang ginagawa ng mga ito ay nagbibigay social cost dahil sa mga krimen na naiuugnay sa kanilang.

Kaugnay nito, pinag-aaralan umano ng administrasyon kung maganda pa ba ang POGO para sa bansa.

Sa kabila nito, binigyang diin ni Marcos na tanging ang mga ilegal na POGO lang naman umano ang problema sa bansa, bilang dahil ang kadalasang dawit sa mga pandurukot ay pagpatay.

Sa gitna nito, nais malaman ng pangulo ang motivation para sa pagban sa POGOs sa bansa, dahil maaring may magandang dahilan para dito.

Matatandaan na noong nakaraang taon, sinabi ng Embahada ng China na ang mga krimen na may kinalaman sa POGOs ay hindi lang panganib para sa interests ng China, kundi sa Pilipinas din.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *