Marcos, pinayuhan ang mga LGUs na mas maging prudent at i-maximize ang pag-gamit sa mga resources ng gobyerno

Pinayuhan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga local government units na maging “prudent” sa pag-gamit ng mga resources para mas maraming mga Pilipinong nangangailangan ang matulungan.

Ginawa ni Marcos ang panagawan sa courtesy call sa kanya ng mga opisyal ng Manila LGU sa Malacañang, kung saan tinalakay ang mga kinahaharap na problema ng bansa, gaya ng tumataas na cost of living at iba pang hamon.

Nabanggit din nito ang kakulangan ng resources, sa gitna ng panawagan na mas maging prudent sa pag-gamit sa pera at assets ng gobyerno.

Binigyang diin ng pangulo na mababawasan ang pagkakaaksaya sa mga resources, kung may magandang koordinasyon sa pagitan ng national government at LGUs, at sinabing maiiwasan din umano ang duplikasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *