Free Legal Assistance para sa military, ununiformed personnel, aprubado na sa Kamara

Aprubado na sa ikalawang pagbasa ang panukalang Free Legal Assistance for Military and Uniformed Personnel Act.

Ang House Bill 6509 ay naglalayong bigyan ng free legal assistance ang mga officers at ununiformed personnel ng Armed Forces of the Philippines (AFP), the Philippine National Police (PNP), the Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), the Bureau of Fire Protection (BFP), at Philippine Coast Guard (PCG).

Saklaw ng naturang panukala ang criminal, civil, o administrative proceedings na nagmula service-related incidents.

Ang panukalang batas din ang siyang magbibigay ng mandato na pagtibayin ang legal offices ng  AFP, PNP, BJMP, BFP at PCG nang sa gayon ay makabuo ng sapat, epektibo, at libreng legal assistance sa mga qualified personnel.

Bukod dito, bibigyan din sa maturang panukala ang mga ununiformed officers ng nasabing mga ahensya na magkaroon ng private counselling. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *