Pinagmulta ng $25,000 ng NBA si reigning Defensive Player of the Year Marcus Smart matapos makipagtalo kay Atlanta Hawks All-Star guard Trae Young sa sa mainit na laban ng dalawang koponan noong Sabado.

Nangyari ang insidente sa natitirang 1:25 sa fourth quarter.
Una nang tinawag ng referree si Smart para sa isang foul kay Trae Young, at pagkatapos ay pumunta siya sa Hawks guard at hinila ito pababa sa sahig.
Ang dalawang manlalaro ay binigyan ng technical foul at na-eject dahil sa insidente.//CA