N. Korea nagpaputok ng dalawang short-range ballistic missiles

Nagpaputok ng dalawang short-range ballistic missiles ang North Korea sa silangang baybayin nito ngayong araw.

Ayon sa Joint Chiefs of Staff ng South Korea, ang mga missiles na pinaputok mula sa lalawigan ng South Hwanghae malapit sa kanlurang baybayin ng bansa ay lumipad ng humigit-kumulang 620 kilometers.

Ang weapons test na isinasagawa ng N. Korea ay kasabay ng isinasagawa ngayong joint military drills ng South Korea at Estados Unidos.

Sinabi naman ni Japanese Prime Minister Fumio Kishida, patuloy silang kumakalap ng mga impormasyon kung pumasok sa kanilang exclusive economic zone ang mga pinaputok ng missiles at kung may pinsalang idinulot ito.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *