Maruming warehouse ng DSWD, pinapasuri na dahil sa mga daga at ipis

Pinapasuri na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kanilang warehouse matapos ma-flag ng mga state auditor dahil sa pagkakaroon nito ng mga daga at ipis.

Ayon sa Commission on Audit (COA), ang maruming imbakan ng DSWD-Metro Manila Field Office sa Pasay City ang dahilan ng pagkasira ng ilang mga relief goods.

Kaugnay nito, inutusan na ni Social Welfare Secretary Rex Gatchalian si Field Office Chief Michael Lorico na inspeksyunan ang mga warehouse upang matiyak ang maayos na kondisyon ng mga ito.

Maliban pa roon, ipinapa-sort out na rin ni Gatchalian ang mga suplay ng relief upang matiyak na maalis ang mga outdated na.

Dagdag pa ni DSWD spokesperson at Assistant Secretary Romel Lopez, magsasagawa rin sila ng mga pest control at pagsasaayos ng pasilidad upang matiyak ang maayos na “stockpiling” ng mga suplay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *