Limang taong gulang na bata, nasagip ng mga pulis mula sa isang hostage taker sa Pasig City

Nasagip ng mga pulis ang limang taong gulang na bata sa isang hostage taker sa Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City.

Sa ulat ng Pasig City Police Station, nangyari ang insidente alas tres kaninang madaling araw kung saan hinahabol daw ng mga residente ang suspek na kinilala lamang sa alyas “Luigie” matapos akusahan ng pagnanakaw.

Habang hinahabol, armado ito ng patalim nang pumasok sa isang bahay at kinuha ang bata.

Matapos na maiparating sa pulisya ang insidente,agad na rumespunde ang PNP SWAT at nagkaroon ng negosasyon hanggang maaresto ang suspek at mailigtas ang bata.

Nakumpiska sa kanya ang isang bread knife na ginamit nito panghohostage.

Inihahanda na ngayon ng pulisya ang kaukulang kaso laban sa suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *