Pagbangga ng oil tanker sa mga Pilipinong mangingsida – aksidente lang ayon sa PCG

Aksidente at hindi sinadya.

Ito raw ang lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng Philippine Coast Guard (PCG) hinggil sa pagbangga ng isang oil tanker sa bangka ng mga mangingisdang Pilipino.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon – sinabi ni PCG spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela na napag-alaman sa pagsisiyasat na hindi naman daw deliberate ang insidente kaya isa itong ‘aksidente’.

Nagtugma-tugma rin daw ang mga tinitingnang anggulo gaya na lamang ng ‘di magandang panahon, at ang madilim na paligid nang mangyari ang pagbangga sa ating bangka.

Muli namang nilinaw ni Tarriela na hindi China ang involved sa insidente, at hindi rin ito nangyari sa Bajo de Masinloc.

Samantala, sinabi ni PCG-Pangasinan station Commander Alexander Corpuz na hindi pa rin tuluyang ma-aabsuwelto mula sa responsibilidad ang naturang bessel.

Mapatunayan man daw na ‘di talaga nakita ng mga tripulante ng tanker ang mga Pilipino – liable pa rin sila sa aksidente at hindi sila exempted sa batas.

Bago ito, una nang sinabi ni PCG Commandant Adm. Artemio Abui na walang kinalaman ang isyu ng West Philippine Sea sa insidente.

Nakikipag-ugnayan na rin sila sa Marshall Islands na tinitingnang may-ari ng tanker.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *