Mas mahigpit na Border control points aasahan anumang oras sa Albay-Gov.Bichara

LEGAZPI CITY – Anumang oras o araw ay ipapatupad ng Provincial Government ng Albay ang mas pinaigting paghihigpit sa Border Control Point ng Camarines Sur at Polangui Albay.

Ayon kay Al Francis Bichara,  ang Gobernador ng Albay, mas dobleng paghihigpit ang ipapatupad ng Pamahalaang Panlalawigan sa Border Control Point oras na mapirmahan na nito ang ilalabas na executive order.

Aniya, kailangan protektahan at mapigilan ang pagpasok ng Delta Variant na nagmula sa metro manila.

Hindi rin maiiwasan na maraming makakalusot oras na maipatupad ng National Capital Region ang ECQ sa darating na Aug 6 ng kasalukuyang taon.

Binigyan diin nito na hindi na makakapasok ang walang swab test o antigen test result ang mula sa metro manila. Dagdag pa nito kailangan tutukan ang mga private vehicle at pampasaherong van dahil siguradong maraming  ang lulusot sa border checkpoint.

Ayon pa sa Gobernador ang nagmula sa Albay na lalabas patungong Camarines Sur o Metro Manila kailangan tiyakin ng mga ito na mayroong travel pass of authority mula sa Local Government Unit (LGU).

Paglilinaw din nito mayroong expiration date ang ibibigay na travel pass of authority kung saan hanggang 24 hours lamang ito kung kayat tiyakin lamang sa mga lalabas ng Albay ay kinakailangan makabalik sa loob ng 24 oras.

Sinabi pa ng opisyal, maging ang Authorize Persons Outside of Residence (APOR) ay kinakailangan rin kumuha ng travel pass of authority upang makapasok sa border control point ng Albay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *