MSME’s, unti-unti ng nakakabangon dahil sa pandemya

Unti-unti nang nakakabawi sa ngayon ang mga Micro, Small and Medium Enterprises o MSME’s sa bansa matapos padapain ng pandemya.

Ayon kay Department of Trade and Industry Usec. Ruth Castelo, masasabing nakarekober na sa ngayon ang MSME’s dahil halos 100% business operation na ang umiiral sa bansa.

Dagdag pa niya, hindi naman kaagad na maihahalintulad noong pre-pandemic level ang kita ng mga negosyo sapagkat ngayon ay medyo alalay pa rin ang paggalaw.

Siniguro naman ni Usec. Castelo na malapit-lapit na rin magkaroon ng normal operation ang lahat ng mga negosyo sa bansa.

Bukod dito, ipinunto rin ng kalihim na marami nang nakabalik sa trabaho at maraming panibagong negosyo ang nagbukas sa gitna ng pandemya.(BNFM BATANGAS)
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *