Menor de edad – patay matapos tamaan ng kidlat sa Sipalay , Negros Occidental

Patay ang isang binatilyo habang kritikal naman ang tatlong kasama nang tamaan ng kidlat sa Sitio Don jose Brgy Manlucahoc lungsod ng Sipalay, Negros Occidental kahapon ng alas tres ng hapon

Ayon kay Sipalay City Disaster Risk Reduction and Management Office Dispatcher Dionilo Bogtae ang biktimang namatay ay isang 17 anyos na binata habang dinala naman sa isang district hospital sa nasabing lungsod ang mga sugatan na sina maria Kristina Lavella, 20 anyos, John Rey Villacora 20 anyos at ang kapatid nito 16 anyos na ngayon ay inirefer sa Bacolod City na hospital.

Sa nakuhang impormasyon kay Bogtae nagtatanim umano ang mga biktima parte ng kanilang tree planting activity nang matamaan ng kidlat.

Napag alaman na malakas ang pag ulan sa Southern Negros kahapon at nasa mataas na area ang mga biktima.(BNFM SAN CARLOS)
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *