Mga armas pandigma, narekober sa pinangyarihan ng engkwentro sa pagitan ng NPA at Militar sa Baggao

Narekober ng mga tropa ng 17th Infantry Battalion ang iba’t- ibang mga armas pandigma matapos ang magkakasunod na engkwentro laban sa mga miyembro ng NPA sa Barangay Sta. Margarita, Baggao, Cagayan.

Sa natanggap na impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa 5th Infantry Division, Philippine Army, sa isinagawang pagsuyod ng military sa pinangyarihan ng engkwentro ay narekober ang isang M4 Commando Colt, 3 Short Arms pistols, isang Rifle Grenade at iba pang armas pandigma maging mga subersibong dokumento.

Matatandaang tumagal ng tatlumpung minute ang unang sagupaan sa pagitan ng military at KomProb Cagayan, KR-CV habang labinlimang minute naman ang pangalawang engkwentrong nangyari sa Barangay Sta. Margarita.

Kumpirmadong dalawang kasapi ng NPA naman ang nasawi sa engkwentro na inaalam pa ang pagkakakilanlan habang isa naman ang sugatan.

Nagpapatuloy naman ang paghihikayat ng PTF-ELCAC Cagayan sa mga natitirang kasapi pa ng kilusan na sumuko na sa pamahalaan upang matamasa ang tunay na maayos na pamumuhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *