Aabot na sa 7, 292 ang kabuuang bilang ng mga magsasaka sa Pampanga na tumanggap ng libreng abono mula sa Department of Agriculture o DA.
Ang mga benepisyaryo ay mula sa iba’t-ibang bayan sa lalawigan kung saan bawat isa sa mga ito ay naka tanggap ng tig-dalawang sako ng pataba.
Samantala, ang naturang programa ay sa ilalim ng rice banner program ng DA.
Layunin nitong mapataas ang prime commodity production ng bigas sa Pilipinas.
