Mga benipisyaryo ng Cash for Work Program sa Botolan natanggap na ang benipisyo

Ipinamahagi na ng Department of Social Welfare and Development Region 3 ang 3,000 para sa mga benepisyaryo ng cash for work program ng Botolan, Zambales.

Ito ay tulong ng pamahalaan bilang tugon sa kawalan ng trabaho ngayong pandemya na tinawag na Climate Change Adaptation Disaster Risk Reduction Program.

Tinanggap ng 300 indibidwal ang kanilang benipisyo nakalipas na araw kung saan umabot sa 900,000 ang ipinamahagi ng kagawaran.

Ang mga benepisyaryo ay tumulong sa rehabilitasyon ng kapaligiran at iba pang gawaing pang-komunidad sa loob ng sampung araw.//Russell Banawa-BNFM IBA

Photo Courtesy: OneBotolan Magkamiha

May be an image of one or more people and text that says 'Power Cells Pagmamahal Nadaramang LINIMENT A short prayer today Lord, help me to remember that nothing is going to happen to me today that You and I together can't handle.'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *