Mga daliri ng isang lalaking sugalero sa Thailand, 40 na taon na palang may naka install na magnet

KAKAIBA ang paraan ng pandaraya ng isang lalake mula sa Thailand,  dahil nag install lang naman ito ng mga maliliit na magnet sa loob ng kanyang mga daliri para lang makapandaya  sa isang sugal.

Ayon sa ulat, isang kilalang Doctor ang nagpost online patungkol sa naturang lalake kung saan makikita ang ilang magnet at mga tahi sa dulong mga daliri nito.

Kuwento ng Doktor, ang nasabing pasyente ay lumapit sa kanya para  humingi ng tulong na matanggal na ang mga magnet sa loob ng kanyang mga daliri na 40 taon na rin niyang kasa-kasama sa buhay, bukod kase sa matagal na umano siyang tumigil sa paglalaro, nangangamba siya na baka hindi  hindi siya tulutang makapagbiyahe ng airport security kapag tumunog ang alarm nito sa oras ng kanyang pag-alis.

Samantala ang naturang pasyente ay hindi na pinangalanan pa, ngunit ang nasabing post ng Doktor ay nag viral kung kaya’t maraming mga tao ang nagbigay ng kani-kanilang mga komento at teyorya kung paano nagagawa ng lalake makapandaya gamit  ang kanyang mga magnet na kamay.###CD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *