Binasura na ng Land Transportation Office (LTO) ang extended validity ng mga drivers’ licenses.
Sa pulong balitaan, inanunsyo ni LTO chief Asec. Vigor Mendoza ang bagong timeline at deadline para sa mga lisensyang nag-expire ngayong Abril.
Ibig-sabihin, ang mga expired licenses mula April 2023 ay puwede nang mag-renew simula ngayong araw.
Ito umano ay dahil sa pagpapatuloy na ng delivery ng mga plastic cards nitong September 06.