Mga islang Barangay sa Mercedes kabilang sa mga tutunguhin ngayong linggo ng MHO para sa Oplan TseKap at Pinaslakas COVID- 19 vaccination

CAMARINES NORTE- Puspusan ang kampanya ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Mercedes sa pamamagitan ng Municipal Health Office para sa OPLAN TSeKaP at Pinaslakas COVID- 19 vaccination.

Kabilang nga sa mga pupuntahan ng MHO ngayong buong linggo ay ang mga isla at malalayong Barangay ng naturang bayan.

Ngayong araw ng Lunes, October 17, ay magkakaroon ng OPLAN TSeKaP at Pinaslakas COVID- 19 vaccination sa RHU, Barangay 5 at LGU Department Offices.

Bukas, araw ng Martes ay magtutungo ang team sa mga islang Barangay ng Apuao, Caringo at Quinapagian para sa Pinaslakas COVID- 19 vaccination.

Sa Miyerkules naman, ay magkakaroon ng OPLAN TSeKaP sa RHU at Pinaslakas vaccination at Serbisyo Caravan sa Tarum.

Sa Huwebes at Biyernes ay parehong aktibidad ang gagawin sa Pambuhan gayundin sa Barangay 7, Lalawigan at Hamorawon.

Upang mahikayat naman ang mga residente na magpabakuna ay namimigay ng bigas ang LGU at school bags sa mga bata.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *