Mga Law Breakers na nahuli ng PNP Region 3 sa loob ng walong buwan, halos nasa 43 thousand

Pumalo sa 42,694 thousand na indibidwal ang naaresto sa Central Luzon sa loob ng walong buwan na anti-crime prevention drive na ikinasa ng Police Regional Office 3.

Kinabibilangan ito ng 546 na most wanted person; 5,785 naman ang mga nahuli na may standing warrant of arrests dahil sa iba’t-ibang krimen.

7,601 ang inaresto dahil sa iligal na droga; 91 dahil sa illegal logging; 141 dahil sa illegal fishing; 112 ang naaresto dahil sa carnapping habang 21,257 ang nabigyan ng citation tickets dahil sa paglabag sa mga local ordinances.

Kaugnay nito nakumpiska ng PNP Region 3 sa loob ng walong buwan ang 584 assorted firearms, 19.43 kilograms of Shabu na may halagang mahigit 132 million pesos; 588.25 kilograms of Marijuana na nagkakahalaga ng mahigit 70 million pesos.

Kaugnay nito tiniyak ni Region 3 Police Director, PBGEN VALERIANO T DE LEON na magpapatuloy ang kanilang pagbabantay sa rehiyon para mapanatili ang peace and order at kaligtasan ng publiko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *