Mga magsasaka ng palay sa 4 na lalawigan sa Bicol, mabibigyan ng mahigit P600M rice farmers financial assistance mula sa DA Bicol

LEGAZPI CITY – Nagsimula nang namahagi ang Department of Agriculture (DA) Bicol ng Rice Farmers Financial Assistance (RFFA) sa mga magsasaka ng palay sa  apat na probinsya ng Bicol.

Ayon sa tanggapan, ang mga magsasaka ng palay sa nasabing rehiyon ay mabibigyan ng P646.6M RFFA cash assistance sa lalawigan ng Camarines Norte, Albay, Catanduanes at Sorsogon.

Aniya, sabay-sabay ang ginawang pamimigay ng ahensya sa rehiyon ng tiglilimanglibumpisong halaga ng RFFA sa mga magsasaka ng palay.

Sa kabuuan ay 125,563 magsasaka ng palay ang rehistrado sa RSBSA at may hindi hihigit sa dalawang ektarya ang mabibigyan ng aabot sa P646.6 milyong pisong  halaga ng RFFA cash assistance.

Sa Albay, mahigit tatlumpung libong rice magsasaka ang mabibigyan ng P156 million pisong halaga ng RFFA at sa Camarines Norte naman ay 8,431 rice farmers ang mabibigyan ng na P43.4 milyon.

Sa Catanduanes, 5,778 magsasaka ang mabibigyan ng P29.7M at sa Sorsogon naman ay may 18,585 ang mabibigyan ng kabuuang P95.7M.

Ang RFFA cash assistance ay pinondohan mula sa excess o sobra mula sa P10 billion Rice Competitiveness Enhancement Fund o (RCEF) galing sa tariff revenues na nakokolekta ng Pilipinas sa importasyon ng bigas sa bawat taon.

Ang P10 billion RCEF fund ay binubuo taon-taon sa loob ng anim na taon simula noong mapirmahan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang Rice Tarrification Law o Republic Act 11203 noong February 14, 2019 at magpapatuloy ang RFFA hanggang 2026.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *