Mga nabakunahan sa Guinobatan Albay pumalo na sa mahigit 1K

LEGAZPI CITY – Hindi problema ang pagroll out ng bakuna sa mga priority group sa bayan ng Guinobatan Albay.

Ito ang naging pahayag ni Mayor Gemma Ann Ongjoco ng nasabing bayan sa Brigada News FM Legazpi.

Ayon kay Ongjoco, tanging ang naging ng problema LGU ay ang allocation na ibinibigay ng Department of Health (DOH) Bicol na bakuna kung kayat kokonti rin ang kanilang nababakunahan na mga priority group.

Napag-alaman din kasi sa unang bugso pa lang nang pagbabakuna ay marami rin ang ayaw ng bakuna lalo na ang Sinovac dahil sa nagmula ito sa bansang China.

Dahil dito ay nagkaroon ng information dissemination campaign ang LGU tungkol sa kahalagahan ng pagbabakuna kontra covid 19.

Sa ngayon ay marami na ang interesado magpabakuna dahil sa nauunawaan na rin ng mga ito ang importansya ng pagbabakuna.

Base sa tala ng LGU, aabot na sa 991 ang nababakunahan mula sa A1 hanggang A3.

Sa A1 mayroon ng 386 o 76.44% ang nakapagfull dose vaccine, A2 523 o 60.74% habang ang A3 ay mayroon ng 82 o 56%.

Sinabi ng opisyal, inaasahang sa susunod na linggo ay madadagdagan ng bakuna ang LGU.

Panawagan ng Alkalde sa mga magpapabakuna ay kailangan sundin ang minimum health standard protocols tulad ng pagsusuot ng facemask, faceshield, physical at social distancing kapag nasa vaccination site area.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *