41 bagong kaso, 20 recoveries at 1 pagkasawi sa COVID-19 naitala sa Bicol ngayong araw

BICOL—Sumampa na sa 20, 719 ang total cases ng COVID-19 sa Bicol region matapos madagdagan ng 41 panibagong kaso.

Nagtala ng pinakamaraming bagong kaso ang lalawigan ng Masbate na may 19 kung saan 13 nito ay mula sa Masbate City, dalawa sa bayan ng Aroroy at tig-iisa ang mga bayan ng Balud, Cataingan, Mandaon at San Jacinto.

16 na bagong kaso ang naitala sa Camarines Sur kung saan tatlo nito ay mula sa Naga City, tigdadalawa ang mga bayan ng Lagonoy, Magarao at Nabua at tig-iisa ang mga bayan ng Bombon, Bula, Calabanga, Goa, Lupi, Ocampo at Pamplona.

Dalawang bagong kaso ang nadagdag sa Albay na kapwa mula sa bayan ng Daraga. Dalawa rin sa Camarines Norte, isa mula sa bayan ng Labo at isa rin sa bayan ng Vinzons. Dalawang kaso rin ang naitala sa Sorsogon na kapwa mula sa bayan ng Donsol habang zero positive case ang lalawigan ng Catanduanes.

Samantala, 20 bagong recoveries ang naitala kung saan 19 nito ay mula sa Sorsogon at isa sa Catanduanes kung kaya pumalo na sa 16,675 ang total recoveries sa sakit sa rehiyon.

Pumalo naman sa 786 ang mga nasawi matapos madagdagan ng isa na bagong namatay na mula sa lalawigan ng Sorsogon.

Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa publiko na sundin ang #BIDASolusyon + sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.

𝐁-Bawal ang walang Mask at Faceshield, 𝐈-isanitize ang mga kamay at iwasan ang kulob na lugar, 𝐃-dumistansiya ng isang metro at limitahan ang interaksyon sa iba at 𝐀-alamin ang totoong impormasyon plus Suportahan ang approved na bakuna.### || SLM

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *