Mga naproseso nang fire safety inspection certificate ng BFP Bicol, umabot na sa mahigit 77,000

Kinumpirma ng Bureau of Fire Protection (BFP) Bicol na umabot na sa mahigit 77,000 ang mga naisyuhan na ng Fire Safety Inspection Certificate (FSIC) sa buong rehiyon.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay BFP Bicol Chief PIO Fire Senior Insp. Edgar Tañajura, Jr., inihayag niyang sa taong 2022 ay mayroon na silang nainspeksyon na umabot sa 81,137 at 77,383 ang nabigyan ng nasabing sertipiko.

Aniya, ang iba namang mga establisimento na hindi pa naisyuhan ng FSIC ay hindi pa nafa-finalize, dahil yong iba nilang certificate ay hindi pa nag-eexpire. Dagdag pa niya, patuloy naman ang kanilang monitoring sa mga establisimento na hindi pa naiinspeksyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *